2 Lalaki, Tiklo sa Pagnanakaw!

*Naguilian, Isabela**- *Arestado ang dalawang kalalakihan na kinabibilangan ng isang menor de edad matapos matiklo sa pagnanakaw ng baterya ng sasakyan pasado alas nuebe kagabi sa Brgy Quezon, Naguilian, Isabela.

Nakilala ang mga suspek na sina Jomarie Salas,18 anyos, at isang 17 anyos na itinago sa pangalang “Jun-jun” na kapwa residente ng Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa PNP Naguilian, nakarinig ng mga tahol ng aso ang biktima kaya’t lumabas ito sa kanyang bahay.


Nagulat na lamang ang ito nang makita ang pagbabaklas ng dalawang suspek sa baterya ng kanyang sasakyan na nakaparada malapit sa kanyang bahay.

Agad na humingi ng tulong sa kapitbahay ang biktima na nagresulta sa pagkakaaresto ni “Jun-jun” habang ang si Salas naman na nagawang tumakas ay naaresto rin ng mga rumespondeng pulis.

Narekober mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang piraso ng Dyna Battery na nagkakahalaga ng P4,000.00.

Nasa kustodiya na ng PNP Naguilian ang mga suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments