COMELEC, maglulunsad ng oplan baklas sa pagsisimula ng campaign period

Manila, Philippines – Maglulunsad ang COMELEC ng Oplan Baklas sa pagsisimula ng campaign period sa Pebrero 12 para sa mga kumakandidato sa national position.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, partikular na babaklasin nila ang mga malalaking tarpaulin na taliwas sa tamang sukat na itinatadhana ng poll body.

Aalisin din aniya nila ang mga poster at tarpaulins na hindi nakalagay sa common poster area.


Maglalabas din ang COMELEC ng abiso ang sa mga political parties at iba pang mga kumakandidato , na bago pa ang election period ay alisin na nila ang kanilang mga nakapaskil na posters na ikinabit bago ang election period.

Facebook Comments