2 Lalaki, Timbog sa Pagtutulak ng Droga!

71

*Cabatuan, Isabela-* Arestado ang dalawang lalaki matapos maaktuhan na nagbebenta ng droga sa Brgy Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na si Jayson Naynes, 30 anyos, binata, tubong Guimba, Nueva Ecija na naninirahan sa Brgy Diamantina, Cabatuan Isabela at Joey Limon, 25 anyos, binata, isang butcher at residente naman ng Brgy. Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.


Batay sa nakuhang kaalaman ng 98.5 iFM Cauayan, naglatag ng drug buy bust operation ang mga kasapi ng Cabatuan Police Station katuwang ang PDEA RO2 sa nabanggit na lugar na nagresulta naman sa pagkakadakip ng dalawang suspek matapos magpositibo ang inilatag na transaksyon laban sa mga ito.

Nakabili ang isang poseur buyer sa mga suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang isang libong piso na marked money.

Nakumpiska rin ng mga ototridad mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang libong piso na buy bust money, dalawang lighters, isang aluminum foil at dalawang cellphone.

Dinala na sa himpilan ng PNP Cabatuan ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers