2 lalaking dati nang sumuko sa Oplan Tokhang, timbog sa buy bust operation sa QC

Quezon City – Nahuli ang dalawang lalaking dati nang sumuko sa Oplan Tokhang sa barangay Sikatuna, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Pahati, 38 anyos; at Albert Dapadap, 34 anyos.

Ayon kay Chief Insp. Ferdinand Mendoza, apat na araw lamang binantayan ang mga suspek at nadiskubreng madalas silang magbenta ng iligal na droga sa isang residential area ilang kilometro lang ang layo sa Camp Karingal.


Aminado ang mga suspek na gumagamit sila ng iligal na droga pero hindi raw sa kanila ang mga nakuha sa operasyon.

Narekober sa mga suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P60,000, P1,500 na buy-bust money, P250 na cash, at dalawang cellphone.

Facebook Comments