2 LALAKING TULAK NG ILIGAL NA DROGA, NASUKOL SA SIYUDAD NG SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Purok 1 Brgy. Divisoria, Santiago City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Migs”, 22-anyos, at alyas “Francis”, 45-anyos pawang mga residente ng nasabing Lungsod.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang (1) piraso ng nakatuping papel na naglalaman ng mga tuyong dahon na hinihinalang marijuana.


Dinala ang mga suspek sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments