Arestado ang dalawang kinilalang high-value individual (HVI) matapos ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay San Nicolas West, Agoo, La Union madaling araw ng Biyernes, Marso 27.
Nasamsam sa nasabing operasyon ang tinatayang apat na gramo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na 27,200.00 piso.
Ang mga nadakip na suspek ay kinilala bilang Top 11 Regional Target at Top 2 Provincial Target sa listahan ng mga personalidad na sangkot sa ilegal na droga.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim na ng kustodiya ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










