2 lalaking umano ay tulak ng droga sa Makati, arestado sa buy-operation

62

Timbog ang dalawang lalaking umano ay tulak ng droga sa Makati City, matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila.
Nakilala ang mga suspek na sina Ryan Antonio Almonte, 36-anyos at Carlito Manzana Antonio, 63-anyos at parehong residente ng Barangay Pio del Pilar.
Nakuha mula sa kanila ang limang pirasong sachet ng shabu at ang P500 na ginamit bilang buy-bust money.
Maliban dito, narekober din ang mga drug paraphernalia at dalawang cellphone na hinihinalang ginagamit sa pakikipagtransaksyon sa kanilang mga parokyano.
Ayon kay Makati PNP Chief Police Colonel Regelio Simon, ginawa ang nasabing operasyon pasado alas-7:00 kagabi sa San Antonio St. Barangay Pio del Pilar sa nasabing lungsod.
Aniya nakakulong na ang mga suspek sa Makati PNP custodial facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments