2 lasing na sakay ng motorsiklo, naaksidente sa Quezon City

Quezon City – Sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang inabot ng dalawang lasing na lalaki matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo sa southbound lane ng Commonwealth tapat ng Technohub sa Quezon City.

Nakilala ang driver nito ma si Ruden Pamagsagan at angkas niya na si Eli Victoriano na kapwa taga-Fairview, Quezon City.

Ayon sa initial na imbistigayon ng QCPD traffic sector 5, binangga ng nasabing motorsiklo ang isang crosswind na papaliko sa Technohub.


Wasak ang harapan ng motorsiklo habang nayupi ang gilid ng SUV.

Walang helmet ang angkas ng motor kaya naman nagkaroon siya ng malalim na sugat sa mukha.

Aminado ang 2 rider na nakainum sila at papauwi na sana galing sa handaan.

Samantala, sinabing ng imbistigator ng traffic sector 5 na mananagot pa rin ang mga sugatang lalaki dahil bukod sa hindi paggamit ng motorcycle lane, nagmamaneho pa sila ng lasing.

Facebook Comments