Nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX kaugnay ng nalalapit na Undas.
Sa ngayon, pumapalo na ang monitoring ng PITX sa mahigit 64K.
Ayon sa PITX, mas mataas ang naturang bilang kumpara sa normal na araw ng biyahe.
Ang naturang bilang anila ay kadalasang naabot pagdating ng tanghali o early afternoon.
Inaasahan ang malaking volume ng mga pasahero sa PITX ngayong araw hanggang sa November 5 at inaasahan ang kabuuang bilang ng mga pasahero na 2.4 million.
Samantala, kinansela ang biyahe ng ilang bus sa PITX dahil sa Bagyong Kristine.
Partikular na kanselado ang byaheng Masbate at Virac, Catanduanes dahil sa bawal munang maglayag ang mga roro na sasakyan ng bus.
Facebook Comments