2 loan programs, inihahanda ng GSIS para sa pagbangon ng mga miyembro nito mula sa COVID-19 pandemic

Inihahanda na ng Government Service and Insurance System (GSIS) ang dalawang loan packages para matulungan ang mga miyembro nito na makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay GSIS President and General Manager Rolando Macasaet, inilalatag ang isang computer loan program para sa mga public school teacher at educational loan para sa mga miyembro nito.

Sa ilalim ng computer loan program, maaaring mag-avail ang miyembro ng nasa ₱20,000 at maaaring bayaran ng hanggang dalawang taon na may maliit na interest rate.


Sinabi rin ni Macasaet na mas magiging madali ang requirement para sa loan program.

Dahil sa pagkawala ng trabaho at kabuhayan dulot ng krisis ay napilitan ang karamihan sa mga magulang na ilipat ang kanilang mga anak mula private patungong public school.

Sa ilalim ng 10-year educational loan, maaari itong i-avail ng kamag-anak ng miyembro hanggang sa fourth degree ng affinity o consanguinity.

Facebook Comments