2 LP official, hindi kasalanan ang pagkatalo ng Otso Diretso sa senatorial race – VP Robredo

Manila, Philippines – Inabswelto ni Vice President Leni Robredo ang dalawang opisyal ng Liberal Party (LP) sa kabila ng pagkatalo ng Otso Diretso sa senatorial race nitong May 13 midterm elections.

Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, sinabi ni Robredo na ang hindi pagkapanalo ng mga kandidato ng opposition slate ay hindi kasalanan nina Senator Francis Pangilinan at Quezon City Representative Kit Belmonte.

Tinawag ni Robredo na “pag-ako sa responsibilidad” ang ginawang pagbibitiw nina Pangilinan at Belmonte sa opposition party.


Matatandaang si Pangilinan ay nag-resign bilang LP president epektibo sa July 1, maging sa Belmonte, na LP secretary-general – na hindi tinanggap ni Robredo dahil kailangan pa rin ang dalawa sa partido.

Magko-convene ang mga miyembro ng partido para sa national executive meeting upang pag-usapan ang pwesto ni Pangilinan bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments