2-M doses na bakuna ng AstraZeneca,dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang 2-million doses ng AstraZeneca vaccines mula sa Covax Facility.

Lumapag sa Bay-114 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplano ng Singapore Airlines Flight SQ910 sakay ang mga bakuna.

Kabilang naman sa mga sumalubong sa bakuna sina Health Sec. Francisco Duque, Vaccine Czar Sec. Carlito Gavez Jr., COVID-19 Testing Czar Sec. Vince Dizon, Chargé d’ Affaires John Law ng US Embassy Manila, WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, United Nations Children’s Fund (UNICEF) Philippines Representative Oyunsaikhan Dendevnorov, at Office of the President Usec. Robert Borje.


Ang nasabing mga bakuna ay donasyon sa Pilipinas ng iba’t ibang international organizations tulad ng WHO, UNICEF AT United Nations Development Programme.

Ito na ang ikatlong batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na dumating sa bansa mula sa COVAX Facility na pinangangasiwaan ng WHO.

Bukod pa ito sa naunang 525,600 doses ng AstraZeneca na dumating sa bansa noong Marso.

Una na ring inanunsyo ng pamahalaan na 7 million pang COVID-19 vaccines ang dadating sa bansa ngayong Mayo.

Facebook Comments