2-M doses ng AstraZeneca vaccine na mag-e-expire sa June at July, hindi masasayang – DOH

78

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi masasayang ang bagong dating na 2-milyong doses ng AstraZeneca vaccine na mag-e-expire na sa Hunyo at Hulyo.

Batay sa National COVID-19 Vaccine Operations Center, 1.5 million doses ng AstraZeneca ang mag-e-expire sa ika-30 ng Hunyo habang ang expiration ng 525,000 doses ay sa ika-31 ng Hulyo.


Ayon kay Duque, magagamit pa ang mga naturang bakuna para sa A1 o healthcare workers at A2 category o senior citizens at mga mayroong comorbidities.

Aniya, mahigit kalahating milyong dose ng AstraZeneca vaccine ay gagamitin bilang second dose at ang nalalabi ay bilang first dose.

Sinabi rin ni Duque na nakipag-ugnayan na siya sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magamit ang mga naturang bakuna bago mag-expire o maabot ang 120,000 pagbabakuna kada araw sa Metro Manila na mangyayari sa loob lamang ng 10 araw.

Facebook Comments