Patuloy pa ring inaalam ngayon ng kapulisan ang naging sanhi ng kamatayan ng isang lalaking natagpuang nakahandusay sa tabi ng kanang bahagi ng kalsda (south bound direction) sa Andaya High Way sa bahagi ng Barangay Panaytayan sa bayan ng Ragay, Camarines Sur. Wala ng buhay ang lalaking kinilalang si Rufino Ronquillo y Santos, edad 55, may asawa, negosyante at resident eng Barangay Liboro, Ragay.
Naganap ang insidente noong araw ng Martes, November 28, 2017. Ang impormasyon ay nalaman ng pulisya bandang alas 6:45 ng hapon sa pamamagitan ng isang concerned citizen.
Ayon sa report, nakatanggap umano ng report ang kapulisan galing sa isang concerned citizen tungkol sa isang taong nakahandusay sa nabanggit na kalsada. Kaagad namang kumilos ang mga tauhan ng pulisya na sina PO3 Nantiza, DD, PO2 Cadacio, MAM and PO2 Herrera, GI kasama ang mga kawani ng Public Safety Office, ( PSO ) ng Ragay, at tinungo nila ang nasabing lugar. Natagpuan nila ang nakahandusay na katawan ng biktima. Nakita rin nila ang motorsiklong walang plate number na pagmamay-ari ng biktima mga sampung metro ang layo mula sa kanyang kinasasadlakan.
Sa pagsiyasat ng rumespondingkawani ng pulisya at ng PSO-Ragay, nabatid na may mga pasa sa katawan ang biktima at may sugat ito sa bandang leeg. Wala namang indikasyon na bumangga or nabangga ang motorsiklo sa isa pang sasakyan.
Sinubukan rin ng grupo na dalhin si Rufino sa Ragay District Hospital, subalit dineklara na itong ‘dead on arrival’ pagkatapos matingnan ng doctor.
Ipinasailalim na sa necropsy/autopsy ang katawan ng biktima upang mapag-alaman kung ano talaga ang naging sanhi ng kamatayan nito.
Samantala, sa bayan ng Lupi, Camarines Sur pa rin, partikular sa Zone 7, Barangay Sooc, isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang nakitang nakalutang sa Kuramosan River. Nadskubre ito ng isang Gregorio Sotto y Orcine na kaagad namang nagreport sa kapulisan.
Kaagad namang tinungo ng kawani ng Lupi Municipal Station sa pangunguna ni PO3 Joey M. Mazanillo ang iniulat na lugar para magsagawa ng ocular inspection. Ayon sa description ng pulisya, ang bangkay ay male person, bald, more or less 5’4”in height medium build, wearing white t-shirt and blue short pants in decomposition stage.” Patuloy pa ang iniimbistigahan ng pulisya para malaman ang pagkakakilanlan ng biktima.
Kasama mo sa balita at serbisyo publiko, RadyoMaN Manny Basa, Tatak RMN!