Vice – Mayor ng Bayan ng Camaligan sa Camsur Nag-Resign NgayonAraw

144
Bumitiw sa kanyang tungkulin bilang vice mayor ng bayan ng Camaligan sa probinsiya ng Camarines Sur si Honorable Marilou Marquez – Hirose.
Sa panayam ng RMN Naga DWNX kay Mayor Ibardalosa, sinabi nito na kaninang lampas alas otso ng umaga ay natanggap ng kanyang opisina ang liham pagbibitaw ni Marquez- Hirose “for personal reason” daw. Idinagdag pa niya na nitong nakaraang linggo, unang nag-file ng leave si VM Hirose for medical reason.
Si Hirose ay nagsilbi na ring alkalde ng nasabing bayan sa loob ng tatlong termino bago ito tumakbong vice mayor at nanalo nitong nakaraang halalan.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Facebook Comments