2 magnanakaw ng bisikleta, arestado sa Pasig City

Manila, Philippines – Nasa kulungan na ang 2 magnanakaw matapos tangayin ang bisikleta ng brgy. kagawad sa Pasig City.

Nakilala ang mga suspek na sina Herberto Magalon at Joseph Padierca na dayo lamang sa lugar.

Bago maaresto , nag paikot ikot mula sila sa Rosemary St. Brgy De Lapaz at ng maispatan ang isang bisiklete sa likod ng gate, dito na sila nag plano.


Tumambay muna sila sa tindahan at maya maya pa pumasok sa gate ang isa sa kanila habang nagsilbing look out ang isa.

Minuto lang ang lumipas naka-bike nang lumabas ng gate ang magnanakaw.

Samantala, tumunog ang kotse ni kagawad Isidro Mariano kaya naalarma at hinabol ang mga suspek pero sakto naman na may brgy. tanod sa labas kayat na-corner ang mga magnanakaw.

Naisampa na ang kasong theft laban sa mga nahuling magnanakaw.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments