Airstrikes sa Marawi, tuloy lang sa kabila ng friendly fire kahaponc

Manila, Philippines – Hindi ititigil ng militar ang pagsasagawa ng airstrikes sa lungsod ng Marawi,

Ito’y kahit pa pumalya na naman sa ikalawang pagkakataon ang kanilang airstrike kung saan 2 sundalo ang nasawi at 11 iba pa ang nasugatan kahapon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, importante ang airstrike para masapul ang mga teroristang Maute na nagkukumpol kumpol at nagtatago sa mga matitibay na istruktura ng lungsod.


Alam naman daw ng mga sundalo na nangyayari talaga paminsan minsan ang ganitong klaseng aksidente lalo pa kung combined arms na ang operasyon at mas malapitan na ang sagupaan.

Facebook Comments