2 Magsasaka, Arestado sa kasong Iligal na Pamumutol ng Kahoy

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang dalawang lalaki matapos lumabag sa striktong implementasyon ng mga awtoridad kaugnay sa pamumutol ng kahoy.

Kinilala ang mga suspke na si *Jonathan Manuel, 44* anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Zone 6 Brgy. Lapogan, Gattaran, Cagayan.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concern citizen na may isang lalaki na magpupuslit sana ng mga pinutol na kahoy kaya agad na tumugon ang pulisya ang Provincial Environment and Natural Resources Office na nagresulta naman sa pagkakadakip sa suspek.


Nakuha mula kay Manuel ang 40 piraso ng round logs, 24 na piraso ng flitches at 20 piraso ng 2x2x3.

Hiningan pa ng dokumento ang suspek kaugnay sa mga kahoy subalit bigo itong magpakita ng anumang katibayan na legal ang pagpupuslit ng nasabing mga kahoy.

Samantala, inaresto din ang suspek na si at *Jose Mesa,* 51 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Centro Norte, Sto. Niño, Cagayan.

Narekober kay Mesa ang iligal na pinutol na kahoy ng Narra sa isang bakanteng lote malapit sa kanyang bakuran.

Bigo din ang suspek na magpakita ng mga dokumento kaya agad siyang inaresto ng pulisya.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Code of the Philippines ang mga suspek.

Facebook Comments