Dalawang magsasaka ang namatay ng tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Pulangi river sa Purok Tawantawan, barangay Poblacion, sa bayan ng Carmen, North Cotabato noong nakaraang Lunes.
Kinilala sa report ang dalawang nasawing magsasaka na sina Daryl Nunez, 25 anyos residente ng nasabing barangay at Faisal Manggamanan, 21 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Kitulaan.
Umaabot sa lima katao ang sakay ng bangka patungo ng barangay Nangaan para maglaro sana ng basketball ng ito ay tumaob , batay sa pahayag ni Carmen MDRRO Conchita Ramos. Tumaob ang sinasakyan nilang bangka dahil sa lakas ng agos ng tubig sa Pulangi river.
Nakaligtaa naman ang tatlo pang sakay ng bangka ng sila ay mapadako sa gilid ng ilog. Tinangka umanong sagipin ni Nunez ang kasama nilang si Faisal ngunit tuluyan ng nalunod ang dalawa.
Sa ginawang retrieval operation ay narekober ang bangkay ni Faisal dakong alas-11:00 ng gabi nitong Martes sa bahagi ng Malabuaya sa Brgy. Kayaga, Kabacan habang Miyerkules naman ng marekober ang bangkay ni Nunez sa Sitio Tawan-tawan.(Amer Sinsuat)
2 magsasaka patay ng tumaob ang sinasakyang bangka sa bayan ng Carmen sa North Cotabato
Facebook Comments