2 Malalaking Proyekto ng LGU Ilagan, Sisimulan nang Ipatayo

69
Pasisimulan na ang pagpapatayo ng dalawa sa maraming proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng lungsod ng Ilagan kaalinsabay ng 10th Cityhood Anniversary ng lungsod.

Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng Winter Wonder Park at Magnetic Resonance Imaging (MRI) Building ng City of Ilagan Medical Center (CIMC) nitong Huwebes, Agosto 11, 2022 sa Brgy. Lullutan, City of Ilagan, Isabela.

Pinangunahan ni City Mayor Josemarie Jay Diaz ang groundbreaking ng itatayong Theme Park sa lungsod katuwang si Ginoong Rudolph Winffotter, Chairman and CEO at Architect Jose Francis Rivas, President and COO ng Double Rainbow Construction and Development Corp.

Ayon sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Rudolph Winfotter, aniya dumaan sa masusing pag-aaral at dayalogo sa pagitan ng kanilang kumpanya at LGU Ilagan ang itatayong ‘first and unique attraction’ sa buong bansa.

Dagdag pa ni Ginoong Winfotter, napili nila ang lungsod upang itayo ang nasabing Theme Park dahil naniniwala sila sa sipag at agresibong plano ng Alkalde at naniniwala rin siya na malaki ang maitutulong at kontribusyon nila sa lalong ikapagtatagumpay ng lungsod.

Samantala, ang nasabing proyekto ay may nakalaang na budget na mula 800 Million hanggang 1.5 Billion Pesos.

Facebook Comments