Manila, Philippines – Sinampahan ng magkahiwalay na kasong administratibo sa Office of the President sina Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang at Deputy Ombudsman for Mindanao Rodolfo Elman.
Mga kasong batay sa graft and corruption, betrayal of public trust at paglabag sa civil service code ang isinampa kay Carandang nina Atty. Jing Paras at Atty. Glen Chong.
Kaparehong kaso din ang isinampa laban kay Elman nina Atty. Manuelito Luna at Atty. Eligio Mallari.
Sa parehong reklamo, ay inaakusahan sina Carandang at Elman ng paglabag sa Code of Ehtical Standard dahil labag sa rules and regulations ng Ombudsman sa mga ginagawang inbestigasyon ang paglalabas ng mga ito sa umanoy records ng bank account ni Pangulong Rodrigo Duterte na mula sa Anti Money Laundering Council o AMLC.
Tiwala ang 2 grupo ng mga abogado na malakas ang kanilang kaso lalo pa at itinanggi ng AMLC na sa galing ang naturang bank documents na kapareho ng mga dokumentong hawak ni Senator Antonio Trillanes IV.
Kung mapapatunayan na nagkasala sa kasong administratibo sina Carandang at Elman ay papatawan ang mga ito ng parusang pagsibak sa pwesto dahil nagpagamit sa mga kumakalaban sa administrasyon sa pangunguna ni Senator Trillanes.
Nilinaw naman ni Atty. Paras na ang kanilang hakbang ay bahagi ng kanilang adbokasiya laban sa tiwaling opisyal ng gobyerno at hindi sila inutusan ni Pangulong Duterte.