2 Matataas na Kalibre ng Baril at Pampasabog, Natunton sa Sierra Madre Mountain

Cauayan City, Isabela- Narekober ng tropa ng kasundaluhan ang dalawang matataas na kalibre nga rmas at gamit pampasabog sa kabundukang bahagi ng Sierra Madre.

Kasama rin sa mga tumulong ang mga dating miyembro ng rebeldeng grupo at mga sumukong Militia ng Bayan.

Ayon sa report, isang M16 at M14 rifle, mga bala at gamit pampasabog ang nakita sa bundok ng Sierra Madre partikular sa bahagi ng bayan ng San Mariano.


Natunton ang mga nasabing kagamitan matapos ituro ng mga dating rebelde upang makatulong sa pamahalaan at ng matapos na ang madugong pakikibaka ng mga CPP-NPA sa mga liblib na lugar na dahilan ng paghihirap at takot sa mamamayan.

Samantala, muli namang nagpasalamat ang kasundaluhan sa pagtitiwala para maibigay ang higit na seguridad at mga programa ng gobyerno sa kanilang pagbabagong buhay.

Facebook Comments