Sinopharm vaccine, mayroong 79.34% protection rate kontra COVID-19

Lumabas sa Phase 3 clinical trial ng Chinese pharmaceutical company na mayroong 79.34% protection rate sa COVID-19 ang Sinopharm vaccine.

Gayunman, hindi sinaad ng kompanya ang iba pang detalye tulad ng bilang ng impeksyon sa isinagawang trial.

Batay sa Beijing Biological Products Institute Co. Ltd, nag-apply na sa National Medical Products Administration ang naturang kompanya para sa conditional approval nito.


Matatandaang ang Sinopharm vaccine ang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na natanggap ng ilang sundalo kahit wala pa itong pahintulot ng FDA.

Facebook Comments