2 Menor de Edad, Arestado sa Kasong Malicious Mischief sa Cordon, Isabela!

*Cordon,Isabela*- Inaresto ang dalawang menor de edad matapos pagbabatuhin ng mga ito ang harapang bahagi ng pampasaherong bus bandang 5:45 kaninang umaga sa Brgy. Osmena, Cordon, Isabela

Inireklamo ito ng biktimang si Rolando Oblero, 43 anyos, isang bus driver, may asawa at residente ng Brgy. Burgos, Cabarroguis, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa Cordon Police Station, habang binabagtas ang pambansang lansangan ni Oblero lulan ng pampasaherong bus na may plakang CXU-544 ay bigla na lang binato ng dalawang suspek ang harapang bahagi ng salamin ng nasabing sasakyan na nagresulta naman ng pagkasira nito.


Itinago ang pagkakakilanlan ng dalawang menor de edad na pawang residente ng Brgy. Turod Norte at Brgy. Laurel sa nasabing bayan.

Patuloy namang inaalam ang kabuuang halaga ng pinsala sa nasabing pampasaherong bus.

Facebook Comments