22 mangingisdang Pilipinong nasagip sa Recto Bank, nakauwi na

Ligtas na nakauwi sa Occidental Mindoro ang 22 mangingisdang Pilipinong sakay ng F/B Gimver 1 na binangga at pinalubog ng isang Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – sinalubong ang mga mangingisdang Pinoy ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Director Elizer Salilig kasabay ang pagbibigay ng 22 sako ng bigas.

Dagdag ng kalihim – nangako si Salilig ng pagbibigay ng 22 fiberglass boat kasama ang makina at mga net.


Matatandaang nangyari ang insidente noong Linggo, June 9.

Facebook Comments