2 menor de edad, sugatan nang mahulog sa sinasakyang ferris wheel

26

Dalawang menor de edad ang nagtamo ng bukol at galos matapos itong mahulog sa sinasakyang ferris wheel sa isang carnival sa Polomolok, South Cotabato.

Sa video na ibinahagi ng isang nakasaksi, makikita ang ilang kalalakihan na agad rumisponde sa isa sa mga batang nakahilata sa semento dahil sa pagkalaglag at agad na isinugod sa ospital.


Ayon sa ulat ng mga pulis, bumukas ang pinto ng sinasakyang bagon ng mga biktima dahil natanggal raw pala ang alambreng nakakandado rito.

Nasa 12-talampakan umano ang taas nang pinaghuluhan ng mga biktima mula sa ferris wheel.

Ang carnival ay bahagi umano ng pagdiriwang ng Flomlok Festival ng Polomolok.

Samantala, hindi naman nagbigay ng pahayag ang operator ng naturang ride.

Paalala naman ng lokal na gobyerno na gawing mas ligtas at maayos ang pangangasiwa ng mga carnival lalo na kapag may mga pagdiriwang umano ang naturang lugar.

Facebook Comments

From Advertisers