Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hinahangaan niya si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso dahil sa mga proyektong isinsulong para maging maayos at maunlad muli ang Maynila.

Sa ginanap na press briefing nitong Martes ng gabi, sinabi niyang mas mahusay na alkalde si Moreno kumpara sa kaniya noong nanunungkulan pa siya sa lungsod ng Davao.


Pag-amin ng Presidente, “Bilib ako sa kanya kaya nanonood ako kung nagsasalita siya.”

“Mas mahusay siya kaysa akin, sa totoo lang. [laughter] Oo, may nakita ako na mas mahusay ang resolve niya kaysa akin. Plus two ako sa kanya,” dagdag pa ni PRRD.

Hanggang ngayon sentro pa din ng mga balita si Moreno sanhi ng malawakang clearing operations at programang isinasagawa sa kabisera ng Pilipinas.

Tinutukan din ng alkalde ang mga kampanya laban sa korapsyon, iligal na droga at kriminalidad.

Matatandaang pinukaw ni Moreno ang atensiyon ng sambayanan matapos talunin si dating Pangulong at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada noong nakaraang eleksyon.

Samantala, pinasalamatan ng pinuno ng Maynila si Duterte sa mga papuring sinambit niya.

Facebook Comments

From Advertisers