Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) na dalawa (2) sa kanilang mga empleyado at isang airport police personnel ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay MIAA Public Affairs Office Chief Connie Bungag, ang tatlo (3) ay pawang mga asymptomatic at sila ay naka-home quarantine na ngayon habang isinasagawa ang contact tracing.
Dagdag pa ni Bungag, wala silang data system sa kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus sa hanay ng MIAA employees at mga empleyado ng private concessionaires sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil na rin sa security measures.
Maging ang Department of Health (DOH) ay nagbibigay din ng proteksyon sa pagkakakilanlan ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.
Facebook Comments