2 MILF patay, 2 sugatan sa sagupaan sa Maguindanao

Manila, Philippines – Patay ang dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos ma-kaengkwentro ang mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freed Fighters (BIFF) sa Brgy. Andavit at Brgy. Tee Datu Salibo Maguindanao.

Ito ang kinumpirma ni Chief Inspector Tara Leah Cuyco, ang tagapagsalita ng Philippine National Police Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Habang Sugatan naman ang dalawa pang miyembro ng MILF na kinilallang sina Surani Abelusa, 50 anyos at residente ng Brgy. Damatulan, Midsayap, North Cotabato at Mokamad Kadil, 40 anyos at residente ng Brgy Simsiman, Pigcawayan, North Cotabato.


Ayon kay Cuyco, pawang mga miyembro ang apat ng 105 Brigade ng MILF sa pamumuno Kumander Ustadz Guma.

Hindi naman matukoy ni Cuyco kung ilan ang nga nasugatan o nasawi sa hanay ng BIFF.

Nabatid na nagpang-abot sa dalawang nabanggit na barangay ang mga miyembro ng MILF at BIFF.

Agad na nagkapalitan ng putok ang dalawang grupo na tumagal ng ilang oras.

Dinala na sa ospital ang mga sugatang nakalaban.

Facebook Comments