2 Militia ng Bayan, Isinuko ang mga Sarili sa Kapulisan sa Cagayan

194

*Cauayan City, Isabela*- Boluntaryong sumuko sa kapulisan ang dalawang miyembro ng militia ng bayan na mula sa Rizal at Sto niño nitong Linggo, Enero 5, 2019.
Ayon kay P/Capt. Sharon Mallillin, tagapagsalita ng PNP-Cagayan, kinilala ang sumuko na si “alyas baylon”,27-anyos sa Rizal Police station at isang 67-anyos naman ang sumuko sa PNP Sto Niño.
Ayon kay Mallillin, batay sa naging salaysay ng sumukong militia ng bayan na mula sa Sto Niño ay lagi umanong pumupunta ang mga rebeldeng grupo sa kanyang kubo kung saan siya nagtatanim kung kaya’t naengganyo itong sumali sa kanilang hanay simula pa noong 2002.
Ang pagsuko ng dalawang militia ng bayan ay bunsod ng mga isinasagawang community-based program kung saan nagtutungo ang kanilang hanay sa mga liblib na lugar upang iparating ang mga tulong na mula sa gobyerno.
Sa ngayon, sinabi ni Malillin na nasa kustodiya pa rin ng kapulisan ang dalawa habang pino-proseso ang dokumento ng dalawa para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Facebook Comments