2-Million Halaga Ng Iligal Na Droga, Nasabat Sa Naia

43

MANILA – Nasabat sa NAIA ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang iligal na droga na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso.Ang nine hundred sixty (960) na piraso ng ecstasy ay nagmula sa Germany at naka-consign sa isang Cavite-based recipient.Nasabat din ng mga otoridad ang 53-grams ng shabu na nakasiksik sa bisekleta at sapatos na nakatakda rin sanang ipadala sa Saudi Arabia mula sa Quezon City.Bukod pa ito sa ang 16-grams ng “shabu” na ipapadala rin sana sa Europe.Patuloy naman ang follow-up operations ng mga otoridad kasabay ng pagkakasa ng isasampang kaso laban sa mga salarin.

Facebook Comments