Sunog Sa Pasay Nagiwan Ng Tatlong Daang Libong Pisong Danyos.

18

MANILA – Tinatayang aabot sa tatlong daan at limampung libong piso ang danyos na iniwan ng sunog na tumupok sa isang pagawaan ng damit na pagmamayari ng isang Faith Lao, sa brgy. 36 Zone 3, Pasay City.Pasado alas kwatro y media ng magsimula ang sunog at mabilis na umakyat sa ikalawang alarma, dahil pawang gawa sa light materials ang isang palapag na gusali at puro tela ang nasa loob nito.Ayon kay SFO1 Mark Lanuzga, kukumpirmahin pa nila ang pahayag ng isang empleyado ng nasabing establishimento na ang naiwang nakasaksak na plansta umano ang pinagmulan ng sunog.Wala namang napaulat na nasaktan. At alas siyete ng umaga ng ganap na maapula ang apoy.At sa ngayon, nadadaanan na ng mga motorista southbound at northbound lane

Facebook Comments