Nakikipag-ugnayan na ang National Vaccination Operations Center (NVOC) sa COVAX Facility kaugnay ng COVID-19 vaccines na nakatakdang ma-expire ngayong Hunyo.
Sinabi ni Health Undersecretary at NVOC Chairperson Myrna Cabotaje na nag-request na sila sa COVAX Facility ng inisyal na 300,000 vaccines para mapalitan ang mga napaso.
Ayon kay Cabotaje, sa ngayon ay halos dalawang milyong doses ng COVID vaccines ang mapapaso na rin.
Nagpapatuloy rin aniya ang imbentaryo nila para matukoy kung ilan pa ang natitira na malapit na ring mag-expire.
Idinagdag ni Cabotaje na sa July, August at September ay may mga mapapaso na rin na bakuna subalit napalawig pa ng tatlong buwan ang shelf life kaya pwede pa itong magamit ng papasok na administrasyon.
Facebook Comments