2 million pesos cash donations para sa mga biktima ng Marawi siege, nalikom na nang AFP

Manila, Philippines – Nakalikom na agad ang Armed Forces of the Philippines ng 2 milyong pisong tulong pinansyal mula sa mga di nagpakilalang mga grupo at indibidwal sa loob at labas ng bansa.

Ayon kay AFP PAO Chief Col Edgard Arevalo, mahigit 1.7 million pesos na ang pumasok na donasyon sa binuksan nilang special account para sa mga sundalong nasugatan at nasawi sa sagupaan sa Marawi.

Habang nasa 340 thousand pesos naman ang nalikom para sa mga residenteng direktang naapektuhan ng giyera.


Ayon kay Arevalo, sa ngayon tumatanggap pa rin sila ng cash donation sa mga sumusunod na bank accounts: ito ay AFP Marawi casualty at Marawi IDP.

Facebook Comments