Nakumpiska ng mga otoridad sa bayan ng Datu Blah Sinsuat Maguindanao ang tinatayang nasa 2 Million Pesos na halaga ng smuggled Cigarettes.
Sinasabing naging matagumpay ang pagkakaharang ng Bangka na lulan ng nasa 100 karton na naglalaman ng mga sigarilyong may brand na ROYAL dahil sa tulong ng mga mangingisda.
Matapos na mamataan ang isang bangka ay agad itong ipinagbigay alam sa mga otoridad resulta ng pagkakaharang nito at pagkakaaresto pa ng limang sakay nito ayon pa kay DBS Chief of Police Major Ronald Deleon.
Nasa pangangalaga ngayon ng PNP ang mga nakumpiskang sigarilyo at mga crew ng Bangka na kinilalang sina Masillam Sabburani 45 anyos, Asah Hadjirul 39, Alkabid Jumdaing 26yo, Kabil Hadjirul 25, at si Sman Hadjirul 40 anyos. Nagmumula sa Sulu Area ang mga ito ayon pa kay Major Deleon.
Samantala nasa 4 na Karton din ng smuggled cigarettes ang naharang sa checkpoint ng boundary ng Buldon at Parang. Tinatayang nasa 120K ang halaga nito.
DBS PNP PIC/CCTO
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>