Benguet – Dalawang minero ang natagpuang patay sa loob ng isang mining tunnel sa Itogon, Benguet.
Gas poisoning ang hinihinalang dahilan ng pagkasawi nina Robert Gorteza at Anthony Salas.
Sa ulat, pinasok ng dalawang minero ang tunnel kahit pa may babala na ang Provincial Disaster Risk Reduction And Management Office ukol sa mararanasang malakas na pag-ulan sa itogon.
Makalipas ang isang oras, doon na sila pinasok ng iba pang minero.
Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga otoridad ang totoong dahilan ng pagkamatay nina Gorteza at Salas.
Facebook Comments