Winwyn Marquez – excited na sa kanyang pagsabak sa 2017 Miss World Philippines

Showbiz – Todo-paghahanda na ang aktres na si Winwyn Marquez para sa kanyang muling pagsabak sa beauty pageant… sa pagkakataong ito sa Miss World Philippines 2017 naman sasali si Marquez.

Full support naman sa kanya ang kanyang pamilya at ang boyfriend na si Mark Herras.

Katunayan, sabi ni Winwyn… si Mark pa ang nagkumbinsi sa kanyang sumali sa nasabing beauty pageant.


Taong 2015 nang unang sumali sa Binibining Pilipinas si Winwyn, pero hindi siya pinalad na manalo.

Sa September 3 na gaganapin ang beauty pageant kung saan apat na beauty titles ang paglalabanan ng 35 kandidata.

Kabilang rito ang Miss World Philippines, Miss Eco International Philippines, Miss Multinational Philippines at Reina Hispanoamericana Filipinas 2017.

Facebook Comments