2 Miyembro ng 4P’s na Nahuli sa Pagsusugal, Sinermonan ng Kapitana!

*Cauayan City, Isabela- *Hindi naitago ni Ginang Theresa Bual, ang punong barngay ng Alicaocao, Cauayan City ang kanyang galit matapos muling maaktuhang nagsusugal ang kanyang constituent sa kanyang nasasakupang barangay.

Nadoble pa ang galit ng Kapitana dahil dalawa sa inaresto ng mga Brgy. Tanod ay mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s.

Nakilala ang dalawang naaresto na sina Zenny Paggao, 42 anyos, Jenny Segovia, 39 anyos na kapwa residente ng Brgy Alicaocao ng nasabing Lungsod.


Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy. Captain Bual, siya mismo ang nagpaaresto sa dalawang 4P’s beneficiaries dahil dalawang beses na niya itong naaktuhan at pinagsabihan na itigil ang kanilang pagsusugal.

Kanya rin pinapaalalahanan ang mga ito na gamitin ang kanilang nakukuhang pera mula sa gobyerno sa kapaki-pakinabang na paraan tulad ng pagpapaaral sa kanilang mga anak.

Bagamat nakikiusap at humihingi ng tawad ang mga naarestong ginang subalit nanindigan si Brgy Captain Bual na mabibigyan ang mga ito ng leksyon.

Sa ngayon ay ipinasakamay na sa himpilan ng pulisya ang dalawang 4P’s beneficiaries upang mapatawan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments