2 miyembro ng Daulah Ismiya Philippines naaresto ng PNP sa Quezon City

67

Nasakote  ng mga tauhan ng Philippine National Police ang dalawang miyembro ng Daulah Islamiya Philippines sa Tandang Sora Quezon City nitong nakalipas na araw ng Sabado.

 

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde ang mga naarestong suspek ay sina Feliciano Sulayao alyas  Abu Muslim at Arnel Flores Cabintoy alyas Abu Musab.


 

Ang mga suspek ay mga tauhan ni Daulah Islamiyah Philippines leader Hatib Hajan Sawadjaan.

 

Partikular na nahuli  ang dalawa sa Salaam compound sa Tandang Sora, na kalimitang taguan ng mga terrorista mula sa mindanao na nagpupunta sa Maynila.

 

Wala pa aniyang isang linggo sa Metro Manila ang dalawa, at Ang kanilang presensya ay posibleng may kinalaman sa planong panggulo sa gagawing SONA ng Pangulo.

Facebook Comments

From Advertisers