Tanggapan ng apat na iba pang investment scam, sinalakay ng PNP CIDG

Sinalakay rin ng  PNP Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang opisina nang  iba pang mga naglipanang Investment Scam.

 

Ayon kay Police Major General Amador Corpus, Director ng PNP CIDG, apat na investment companies ang sinalakay ng kanilang mga tauhan.

 

Ito ay  ang Organico, Regin E, Ada Farm at Ever Arm


 

Karamihan ng mga ito ay nasa Mindanao ang operasyon katulad ng KAPA Community Ministry International.

 

Matatandaang unan nang  pumutok ang balita tungkol sa investment Scam ng KAPA pero nang salakayin nila ang mga opisina ng mga ito ay wala na silang inabutan  sa halip mga dokumento na lamang ang kanilang nasamsam.

 

Sinabi ni Corpus na sa ngayon ipinaubaya na nila sa National Bureau of Investigation  ang pag-iimbestiga sa KAPA, habang sila ay sa iba pang mga Investment Scam Companies.

Facebook Comments