Manila, Philippines – Apat na heneral ang pinagpipilian ngayon para susunod na pinuno na Armed Forces of the Philippines o papalit kay AFP Chief of staff General Eduardo Año.
Sa rekomendasyon ng AFP Board of Generals na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte, kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kasama sa mga heneral na pinagpipilian sina: AFP Western Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez, AFP Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Leonardo Rey Guerrero, AFP Vice Chief of Lt. Gen. Melchor Mison Jr., at AFP Deputy Chief of Staff Vice Admiral Narciso Vingson Jr.
Si Galvez, ang isa sa mga tinaguriang Mindanao warrior na una nang namahala sa Marawi rebellion.
Habang si Guerrero naman na galing PMA Class 1984 ay katulad din ni Galvez na isang kilalang malapit kay Duterte.
Una nang inihayag ni Año na lahat ng mga contenders ay kuwalipikado at sinuman ang pumalit sa kaniya sa puwesto ay ‘in good hands’ ang Armed Forces of the Philippines.
Si General Año ay magreretiro sa darating na Octcober 26.