2, napaulat na nasawi dahil sa Bagyong Enteng at Habagat

Dalawa ang napaulat na nasawi bunsod nang pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), for validation pa ang bilang na pawang mula sa Region 7 o Central Visayas kung saan sampu rin ang naitalang sugatan.

Samantala, nasa 63 indibidwal o 14 na pamilya mula sa tatlong barangay sa Cebu City ang naiulat na apektado.


Mula sa nabanggit na bilang, 43 katao ang nananatili ngayon sa evacuation centers sa nabanggit na rehiyon.

Dahil naman sa masamang panahon, kanselado ang klase ng nasa 143 na mga paaralan sa CALABARZON at Bicol Region.

Patuloy namang nakaantabay ang NDRRMC sa iba pang report mula sa mga apektadong rehiyon.

Facebook Comments