2, nawawala sa South Cotabato sa paghagupit ng Bagyong Dante

109

Dalawang indibidwal ang nawawala sa kasagsagan ng pagbaha sa South Cotabato bunsod ng Bagyong Dante.

Ayon sa ulat, nanatili sa kanilang bahay ang mag-ama para bantayan ang kanilang mga alagang bibe pero umapaw ang tubig sa ilog na nagresulta ng pagbaha sa bayan ng Norala.


Nagsasagawa na ng search and rescue operation ang mga awtoridad.

Samantala, ilang ektaryang palayan at palaisdaan din sa mga bayan ng Norala at Banga ang lubog ngayon sa baha.

Limang barangay sa Norala ang apektado ng baha na abot hanggang bewang habang pinasok din ng tubig ang maraming bahay sa Banga.

Facebook Comments