2 Negosyante, Arestado sa Buy-bust!

177

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang negosyante matapos matiklo sa pagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy.Dagupan, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerry Barroga, 51 anyos, may-asawa, at Leo Raiz, 56 anyos, may-asawa na kapwa residente ng Brgy. Dagupan, San Mateo, Isabela.


Sa inilatag na operasyon ng PNP San Mateo ay positibong nakabili ang isang police poseur buyer sa mga suspek ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng dalawang libong piso (P2,000).

Narekober naman sa pag-iingat ng mga suspek ang P2,000 na buy-bust money.

Ang dalawang suspek na kabilang sa drug watchlist ay pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments