Cong. Rida Robes, ang parangal na Seal of Good Local Governance ay para sa buong San Joseno

180

“We work as one for the good of the city,” Cong. Robes says on success of mayor husband.

Nag-uumapaw ang tuwa ni Congresswoman Rida Robes ng San Jose del Monte City, Bulacan, matapos nitong saksihan ang personal na pagtanggap ng kanyang asawang si Mayor Arthur Robes ng pinakamataas na karangalang ipinagkakaloob ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ito ay ang Seal of Good Local Governance o SGLG.


Ang SGLG Award ay ibinibigay ng DILG sa munisipalidad o siyudad na nakapag-comply sa lahat ng requirements na itinakda ng departamento. At sa loob ng tatlong taong pagsisikap ay nakamit na ng SJDM City ang natatanging parangal. At sa pagkakataong ito ay hinahandog din ni Cong. Robes ang karanngalan sa mga mas maliliit pang nagsikap para makamit ito.

“It’s a big development for the city. Syempre sa lahat ng mga naghirap magmula kay mayor, vice mayor, konsehal, specially all the staff, department head. Sila talaga yung nagtrabaho ng todo-todo kawani ng gobyerno. Sabi nga nila walang special treatment pero with this kind of award, talagang ano…happy…happy ka na. its actually a smile. Progressive smile ang tawag dun,” pahayag ng kongresista.

Binigyang diin ni Robes na ang SGLG Award ay tagumpay ng buong siyudad,“ Its actually for the mayor , pero we work together as one, kasi mayor, congressman, magkakampi magkatuwang.

Iisa lang ang sense of direction, yung pangarap, yung vision, lahat isa lang, So we work in one as a team”. Hindi rin naman nakaligtas sa pagtatanong ng media si Cong. Robes na ang tandem nila ni Mayor Robes ang dahilan at napagtagampayan na matamo angprestihiyosong karangalan.




“Kasi walang kumpitensya, walang away. Hindi naman nila puwedeng sabihin na may graft and corruption. Kasi may COA tayo, nakakatakot yun. Actually it”s a tandem.” Ani pa ng konggresista.

Sikreto ng team Robes sa matagumpay na pamamahala sa Local Government Unit (LGU), kakaiba ang impresyong ipinapakita ng tandem nina Congresswoman Rida Robes at Mayor Arthur Robes. Dahil dito nagsisilbi silang inspirasyon sa mga mag-asawang pumalaot na at pumapalaot pa lang sa pulitika. Habang ang iba ay nagpapagalingan, sa Robes tandem pag-uunawaan at pag-uusap ang kanilang pinaiiral.

Lalo at kapakanan ng mamamayan ang nakasalalay sa kanilang pamamahala. “Nag-uusap. Mas maganda yung nag-uusap. Since ako kasi I’m very submissive wife, hindi ako nakikipag-erehan sa asawa ko kahit ako’y konggresista. I always give it back to the Lord before people. Kaya dapat yung humility andun pa rin.” Pahayag pa ng kongresista.

Facebook Comments