2 Negosyante, Dinakip dahil sa Mahal na Presyo ng Panindang Semento!

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang babae at lalaki matapos na magpositibo sa inilatag na entrapment operation ng mga otoridad dahil sa pagbebenta ng mga ito ng semento na higit sa Suggested Retail Price o SRP.

Unang hinuli ang suspek na si Hilda Balisi, 51 anyos, byuda, negosyante ay nahuli sa lugar nito sa Annafunan East, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa inilatag na operasyon ng mga otoridad ay nakabili ang poseur buyer mula sa suspek ng dalawang (2) piraso ng semento sa halagang Php600.00.


Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng suspek matapos ang patibong ng mga otoridad.

Kaugnay nito, arestado rin sa Brgy. Centro Northwest, Solana, Cagayan ang isang negosyante na si Martin Dumlao, 50 anyos, residente rin sa lugar dahil sa pagbebenta nito ng dalawang (2) bag ng semento sa halaga rin na tig-tatlong daang piso o kabuuang halaga na Php600.00.

Parehong mahaharap sa kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 11469 (Bayanihan Heal as One), RA 7581 (Price Act) at paglabag sa RA 7394 (Consumer Act of the Phil.) ang dalawang suspek.

Facebook Comments