Number 6 sa drug watchlist at dalawang iba pa, arestado ng QCPD

Nadakip na ng QCPD ang itinuturing na number 6 sa drug watchlist ng Fairview Police sa isinagawang anti-drug operation sa Barangay Pasong Putik.

Kasama niyang nasakote ang dalawang iba pa.

Kinilala ang top 6 sa drug watchlist na si Daniel Irms Dean Mayoni, 24.


Gayundin ang mga kasama niya na sina April Gunita, 24, at Michael Allan Probadora, 29, mga residente ng Camarin, Caloocan City.

Sila ay naaresto sa Everlasting St., Maligaya Park Subd., Brgy. Pasong Putik.

Nakumpiska sa kanila ang pitong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P47,600.

Facebook Comments