2 NPA, Boluntaryong Sumuko sa 86th IB!

156

Cauayan City, Isabela- Dalawa pang (2) kasapi ng New People’s Army (NPA) ang kusang sumuko sa himpilan ng 86th Infantry Battalion na nakahimpil sa bayan ng Jones, Isabela sa ilalim ng 5th Infantry Division, Philippine Army.

Sumuko nitong ika-8 ng Enero ngayong taon sina alyas ‘John-john’at alyas ‘Teddy’ na miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla o KLG Quirino-Nueva Vizcaya.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa programang Sentro Serbisyo kay SSgt Benjie Maribbay ng 86th IB, sumuko aniya ang dalawa dahil hindi na umano nila matiis ang mga nangyayaring gulo sa kanilang grupo at hindi umano natupad ang mga ipinangako noong sila’y hinikayat ng naturang kilusan.

Ayon pa sa dalawang sumuko, kakaunti na lamang ang bilang ng kanilang grupo dahil na rin sa pagbabalik loob ng iba pa nilang kasamahan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng 86th IB ang dalawang sumuko para sa mga karagdagan pang pagsisiyasat.

Facebook Comments