Binata na Top 1 Municipal Level sa kasong Robbery with Homicide, Arestado

90

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang binata matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto sa Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si *Nestor Pancho*, 22 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Bonifacio, Angadanan at Top 1 Municipal Level sa kasong Robbery with Homicide.


Batay sa impormasyon na nakalap ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela olice Provincial Office, ipinalabas ni kagalang galang hukom Reymundo Aumentado ng RTC Br. 20 Cauayan City ang warrant of arrest nito habang wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng binata.

Sa ngayon ay nasa panganalaga ng kapulisan ang akusado upang harapin ang kaso laban dito.

(Photo Courtesy to the Owner)

Facebook Comments