Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation na dalawa pang Oil Companies ang magbibigay ng libreng gasolina sa mga bus units na nakikilahok sa Free Bus Service for Health Workers Program sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19 Pandemic.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang dalawang Petrolium Companies na nakipag partner na sa DOTr para magbigay ng Fuel Subsidy ay ang CleanFuel at Total Philippines.
Paliwanag ng kalihim, ang Clean Fuel ay magbibigay ng 40 litro ng gasolina o diesel sa 20 Bus Units simula ngayong araw hanggang sa April 30.
Makukuha ang libreng gasolina sa CleanFuel station sa Kamias at sa isa pang sangay ng Biñan.
Samanatala ang Total Philippines naman ay magbibigay ng libreng gasolina sa 30 participating Bus Units at sa mga sasakyan ng Medical Frontliners.
Ilan sa mga listahan ng Total Gas Stations na magbibigay ng Fuel Subsidy ay sa:
- Total Alabang, Filinvest Corporate City, Muntinlupa City
- Total NAIA, Tambo, Parañaque City
- Total EDSA Pasay, Malibay, Pasay City
- Total C5 Pasig, Bagong Ilog, Pasig City
- Total Greenhills, Ortigas Ave., San Juan
- Total R. Magsaysay, Sta. Mesa, Manila
- Total JP Rizal, Malanday, Marikina City
- Total Marcos Hi-way, Mayamot, Antipolo City, Rizal
- Total Valenzuela, Karuhatan, Valenzuela City
- Total Mindanao Ave., Bagong Pag-asa, Quezon City
- Total Commonwealth, Matandang Balara, Quezon City
- Total Tuguegarao 1 , Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan
- Total Rioeng, Laoag City, Ilocos Norte
- Total Abanao, Kisad Rd, Baguio City
- Total Cabcaben Hi-way, Mariveles, Bataan
- Total San Fernando, Dolores, San Fernando City, Pampanga
- Total San Jose Del Monte, Gov Fortunato Halili Rd, SJDM, Bulacan
- Total San Pedro Palawan, Puerto Princesa, Palawan
- FBT – San Agustin, San Agustin, Romblon
- FBT- San Angel, San Jose de Buenavista, Antique
- Total Bata-Pepsi, Bacolod City, Negros Occidental
- Total Looc, Dumaguete City, Negros Oriental
- Total Tagbilaran, Tagbilaran City, Bohol
Una nang nakipag partner sa DOTr ang Phoenix Petroleum Philippines at nagkaloob ng Fuel Subsidy sa mga Bus Units na nagsusundo at naghahatid sa mga Frontliners.